Kabataang May Pag-asa: Edukasyon sa Kalusugan ng Reproduktibo at Suporta para sa mga Kabataang Magulang (Teenage Pregnancy)
Allotted Budget
₱251,496Amount Utilized
₱251,380Total Beneficiaries
500Health
Budget tracking
Allotted Budget
₱251,496Amount Utilized
₱251,380Total Beneficiaries
500Title 1
| No. | Objective |
|---|---|
| 01 | To promote reproductive health education among the youth, focusing on preventing teenage pregnancies, reducing discrimination, and eliminating stigma |
| 02 | To empower young parents, which ensures equitable healthcare access, and fosters inclusive communities |
| No. | Indicator |
|---|---|
| 01 | Number of youth who have gained knowledge and understanding of reproductive health topics |
Shared across all project titles
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kalusugan at pagbibigay-kapangyarihan sa kababaihan, inilunsad ng Sangguniang Kabataan ng Matandang Balara ang pag-launch sa Kabataang may Pag-asa noong BabaeAko 2025, isang inisyatibang naglalayong maghatid ng accessible na serbisyong pangkalusugan at materyal na suporta sa mga kabataang magulang sa komunidad.
Kinikilala ng programa ang natatanging pangangailangan sa kalusugan ng kababaihan, mula sa reproductive health hanggang sa preventive screenings, at layunin nitong mapalapit ang mga kinakailangang serbisyong medikal sa mga kababaihang maaaring makaranas ng mga hadlang sa pag-access sa healthcare.
Upang mapadali ang registration, naglagay ang SKMB ng Google Form sa kanilang Facebook Page para sa pre-registration ng mga kalahok. Bukod sa pangunahing impormasyon, tinanong din ang mga registrant kung anong uri ng suporta ang kanilang kinakailangan, kabilang ang financial assistance, baby care kits, at iba pang tulong.
Bilang tugon sa mga pangangailangan ng mga teenage mother at youth parents, namahagi ang programa ng baby care kits na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng diapers, cotton balls, alcohol, baby shampoo, baby wipes, Celine vitamins, at informative brochure.
Ngayon, isa itong continuing program kung saan maaring mag sign-up ang mga kabataang magulang upang maka-claim ng baby care kits. Bukod sa pagiging alinsunod sa SP 3128, Layunin ng SKMB na magbigay hindi lamang ng agarang tulong, kundi ng kaalaman, resources, at mga oportunidad na makatutulong sa mga kababaihan at kabataang magulang na pangalagaan ang kanilang sarili at kanilang mga anak.
Read more about Babae Ako 2025 here.
Sign in with your SKMB resident account to comment, reply, or react.
Sign in to join