SIning, Kwento at Musika ng Matandang Balara
Allotted Budget
₱228,500Amount Utilized
₱227,900Total Beneficiaries
200Active Citizenship
Budget tracking
Allotted Budget
₱228,500Amount Utilized
₱227,900Total Beneficiaries
200Title 1
| No. | Objective |
|---|---|
| 01 | To provide a platform for local youth artists to exhibit their talents, thereby nurturing their development and enhancing visibility |
| 02 | To shed light on the importance of the arts in nation-building, and strengthen the local youth artists of the barangay |
| 03 | To abide by Presidential Proclamation No. 683 of 1981 emphasizing the importance of celebrating the arts and their impact on society |
| No. | Indicator |
|---|---|
| 01 | Number of local youth artists who performed and participated in showcasing their artistic talents |
| 02 | Number of youth who attended and actively engaged in supporting the local youth artists |
Shared across all project titles
Ang Sining, Kwento, at Musika ng Balara ang pinakaunang institutionalized na programa sa antas ng barangay na nagdiriwang ng National Arts Month sa Matandang Balara. Isinasagawa ito alinsunod sa Presidential Proclamation No. 683, na nagtatakda sa buwan ng Pebrero bilang National Arts Month.
Nais ng Sangguniang Kabataan ng Matandang Balara (SKMB) na bigyan ng espasyo ang mga #ArtistangBalara upang maipakita ang kanilang angking galing sa larangan ng sining. Naniniwala ang SKMB na ang sining ay isa sa mga pinakapundamental na bahagi ng ating lipunan, bilang isang mekanismong nakapagpapukaw ng isip at damdamin, nakapagsisimula ng pagkilos, at humuhubog sa perspektibo at kultura ng lipunan.
Nagsimula ang programa noong 2024 sa pangunguna ni Hon. Belle Aro at sa tulong ng iba’t ibang kasapi ng pribadong sektor. Sa unang taon ng selebrasyon, nagtipon-tipon ang iba’t ibang alagad ng sining upang itanghal ang kanilang mga talento. Bagama’t simple lamang ang inaasahang pagdiriwang, mahigit 30 performers ang nakilahok sa programa. Dahil sa mainit na pagtanggap sa inisyatiba, isinama ang proyekto sa Amended Comprehensive Barangay Youth Development Plan para sa mga taong 2025 at 2026.
Noong Pebrero 9 hanggang 15 at Pebrero 27 hanggang 28, 2026, ipinagdiwang sa pangatlong pagkakataon ang Sining, Kwento, at Musika ng Balara. Muling nagkaroon ng mga pagsasanay at patimpalak para sa iba’t ibang anyo ng sining. Isinagawa ang 3-Day Filmmaking Workshop, 2-Day Spoken Word Poetry Workshop, 5-Day Dance Workshops para sa Contemporary at Hiphop, at Digital Art Workshop. Ginanap din ang Graffiti Painting Contest, On-the-Spot Painting Contest, Spoken Word Contest, Short Film Contest, at Himig Singing Contest.
Nakatanggap ang mga kampeon ng PHP 5,000, ang mga 1st Runner-up ng PHP 3,000, at ang mga 2nd Runner-up ng PHP 2,000 sa lahat ng mga patimpalak. Lahat din ng mga nanalo ay nakatanggap ng certificate at medalya.
Noong Pebrero 15, ginanap din ang taunang inaabangang Culminating Concert, kung saan nagtanghal ang mga local artist ng Balara. Sa pagkakataong ito, isinagawa ang Culminating Concert sa Commonwealth Highway. Sa huling araw ng selebrasyon, isinagawa rin ang Siklab Grand Dance Contest. Nagkaroon ng apat na dibisyon ang kompetisyon: Solo, Duo/Trio, Ensemble, at Group. Ang mga naging papremyo ay:
Ilan sa mga naging katangi-tanging partners ng Sining, Kwento, at Musika ng Balara ay ang mga sumusunod: Pin & Clip Studios para sa Filmmaking Workshop; ZEDit Graphic Design para sa Digital Arts Workshop; Vanz Bonaobra bilang hurado sa Himig Singing Contest; Cristina Valderrama para sa Contemporary Workshop; at JanJan Pasno at Bogs Mirandilla para sa Hiphop Workshop.
Nagtanghal din ng flash-mob-style performance ang Artist Playground bilang pakikiisa sa selebrasyon ng National Arts Month. Naging katuwang din ng SKMB ang Erehwon Center for the Arts at si Coun. Atty. Tope Liquigan.
Patuloy na isinasabuhay ng SKMB ang pagtangkilik sa sining hindi lamang tuwing Pebrero, kundi bilang mahalagang bahagi ng pamamahala at ng mga programa ng Sangguniang Kabataan. Sa patuloy na pagtangkilik natin sa angking sining ng Balara, pinapalakas natin ang mga kuwento, kasaysayan, at kulturang bahagi ng ating mga kabarangay at ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Read more about Sining, Kwento, at Musika ng Balara 2025.
Sign in with your SKMB resident account to comment, reply, or react.
Sign in to join